Ano ang Araw ng mga Patay?
Ang “Araw Ng Mga Patay” ay ipinagdiriwang sa unang araw ng Nobyembre. Sa Pilipinas, ito ay nagsimula bilang pagdiriwang ng mga Katoliko, kung kailan bumibisita sila sa libingan ng kanilang yumao na kamag-anak at kaibigan. Ipinagdarasal nila na ang mga kaluluwa ng namatay ay makaalis sa Purgatoryo at makaabot sa langit. Purgatoryo ang tawag sa lugar ng mga kaluluwa na wala pa sa perpektong kalagayan. Nagdarasal ang mga Katoliko na makaalis ang mga kaluluwa sa purgatoryo at makapapasok sa langit upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang mga bumibisita sa sementeryo ay nag-aalay rin ng mga bulaklak at nakasinding kandila sa puntod ng mga namatay.
Comments
Post a Comment